^

PSN Palaro

Nueva Ecija walang dungis

-
TALAVERA, Nueva Ecija--Bahagyang kinabahan muna ang host team Nueva Ecija bago tuluyang masungkit ang 10-9 panalo kontra sa Camarines Norte kahapon sa 2nd All High-School National Baseball Championsips sa Talavera National High School ground dito.

Ang panalo ay nagbigay sa Novo Ecijano ng liderato sa kanilang malinis na 6-0 karta.

Bago rito, bahagyang kinabahan ang Nueva Ecija nang makalamang pa ang Camarines Norte, 9-6 ngunit hindi hinayaan ng host na mapahiya sila sa sariling balwarte ng simulan ni Ronald Reyes ang pag-atake sa pamamagitan ng single at makausad sa third base sa isang passed ball na nagbigay daan kay Aldrin Mariano na ligtas sa first base.

Sa sumunod na eksena, isang homeplate ang ninakaw ni Reyes para sa 7-9 bago sumunod ang batter na si Mark Jayson Reyes na naka-base sa pamamagitan ng walk. Ngunit ito rin ang nagbigay daan kay Mariano na maka-apak sa third base.

Isang throwing error ni Boy Tenorio sa third base ang nagbigay daan para maka-iskor si Vivar at ang batter-runner na si Keneth Sinuto na tumapak sa second base sa isang fielder’s choice.

ALDRIN MARIANO

ALL HIGH-SCHOOL NATIONAL BASEBALL CHAMPIONSIPS

BOY TENORIO

CAMARINES NORTE

KENETH SINUTO

MARK JAYSON REYES

NOVO ECIJANO

NUEVA ECIJA

RONALD REYES

TALAVERA NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with