GINEBRA WAITING NA
January 8, 2004 | 12:00am
Taon ng Ginebra.
Iyan ang inaasahan ng mga tagahanga ng sikat na koponan. Sa huling dalawang taon, di natutuloy ang kanilang plano. "May ginawa kaming plano," lahad ni Barangay Ginebra (at San Miguel Corporation vice-president) Ira Maniquis. "Hindi naman kami nagmamadali, pero maraming nangyari kaya di natuloy."
Ayon kay Maniquis, dahan-dahan sana nilang palalakasin ang Ginebra. Subalit naging balakid dito ang pagbuo ng RP team sa nakaraang Asian Games, kung saan nakuha si Eric Menk at coach Allan Caidic. Mula noon, hindi na nawalan ng injury ang buong barangay.
"Hindi pa kami nakapaglaro na kumpleto," dagdag niya. "Minsan, napipilitan kaming gamitin si Mark (Caguioa) bilang point guard, o si Banjo (Calpito) sa sentro.
Napag-initan din ang batang coach na si Allan Caidic. Hindi maiwasang mapansin ng madla na natatalo ang Gin Kings dahil sila ang team ng masa.
Subalit nadidiin lang ang Triggerman dahil nagkataong Ginebra ang kanyang tinatanganan. Kung ibang team iyon, mas magiging pasensyoso ang tao. Hanggang sa nakaraang Reinforced Conference, napilayan si Eric Menk.
Hindi rin tuloy ang diumanoy paglipat ni Jun Limpot sa Purefoods. Napag-usapan lang naman ang pagkuha kay Andy Seigle bilang kapalit dahil masyado nang maraming umiiskor sa Ginebra. Sa katauhan ni Seigle, nakatagpo sila ng epektibong karelyebo ni Menk na mas tutok sa rebound.
Ikinalulungkot ni Maniquis ang usapin dahil sa magandang ugali ni Limpot sa nakaraang apat na taon.
"Walang komplikado kay Jun. Pagkatapos ng ensayo, kasama ng pamilya. Hindi ma-gimik. Masipag sa praktis, mahal ang pamilya. Mabait. Simple."
Sa darating na draft, naghahanap ng small forward. Ito na lang ang bungi na kailangang punuin. At sana nga, taon na ng Ginebra.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended