"Friday will be a big night for the athletes, for the guests, for all of us who love sports. And the sportswriting fraternity is proud and honored to share the evening with them," pahayag ni PSA President Roberto Cuevas ng Manila Standard.
Taun-taong ginaganap para kilalanin ang mga Filipino athletes sa kanilang mga malalaking achievements dito at maging sa labas ng bansa, ang nasabing pagtitipon ay nakatakdang ganapin bukas ng gabi sa Manila Pavilion kung saan walang iba kundi ang top sports supporter ng bansa na sina President Gloria Macapagal Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo ang inaasahang dadalo sa gabi ng parangal.
Tatlong taon na ang nakakalipas, dumalo ang Chief Executives sa PSA rites kung saan kanyang iginawad ang top award na pinagsaluhan nina billiard king Efren Bata Reyes at Fil-American golfer Dorothy Delasin.
Pangungunahan nina pro boxer Manny Pacquiao at bowler CJ Suarez ang mahabang listahan ng mga pararangalan bilang co-Athletes of the Year, dahil sa malaki nilang ibinahagi sa pag-angat ng local sports sa taong 2003.
Ang iba pang outstanding athletes, kabilang ang 48 gold medalists sa nakaraang 22nd Southeast Asian Games, mga kilala at kaibigan sa sports na nagkaroon ng bahagi sa pag-angat ng sports sa bansa ay kikilalanin rin sa programa na iho-host nina amateur cager Alex Compton at Lala Roque.
Sa nakalipas na 10th sunod na taon, muling itataguyod ng Red Bull at Agfa Colors ang naturang awards rites na may suporta mula sa San Miguel Corp., Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at kay Manila Mayor Lito Atienza.
"Were glad that our friends specially Red Bull and Agfa Colors are always around when needed. We would like to thank them and the others who helped make this modest undertaking of ours a reality," ani pa ni Cuevas.
Ipalalabas sa NBN 4 sa pamamagitan ng delayed basis, ang pag-titipon ay magsisimula sa alas-7:30 ng gabi.