Kahapon, kinuha ng Realtors ang karapatan kay Ronald Magtulis at future draft picks mula sa Ginebra upang maisakatuparan ang Jun Limpot-Andy Seigle trade na nabuo kahapon.
Isinara nina team managers Atty. Ariel Magno ng Sta. Lucia, Rene Pardo ng Purefoods at Ira Maniquis ng Ginebra ang usapan na naglagay kay Limpot sa Purefoods at Seigle naman sa Ginebra.
Nakinabang sa trade na ito ang Sta. Lucia nang makuha nila si Magtulis mula sa Purefoods at first round naman ng Gin Kings sa susunod na taon.
Nauna rito, ipinagpalit din ng Realtors si Limpot sa Ginebra sa draft pick ngayong taon. Pagkatapos ibinigay ito sa Purefoods kapalit ni Seigle at Magtulis at wakasan ang transaksiyon nang ipamigay si Seigle sa Ginebra kapalit ng draft picks.
Ito ang naganap dahil hindi puwedeng magkaroon ng diretsong usapan ang magkakapatid na kompanya ukol sa mga trades.
"With Jun Limpot, weve got a go-to-guy at the post now. And with a player doubled at the post, our backcourt guys would find it easier to operate," ani Purefoods coach Ryan Gregorio.
Ngunit sa parte ng Ginebra, masyadong dumami ang kanilang offen-sive players na maaring magbunga ng pag-aagawan ng oras sa koponan.
Samantala, magkahalong lungkot at saya ang nararadaman ni Limpot sa naganap na trade.
Ngunit tulad ng isang tunay na professional, tanggap ni Limpot ito at inaming isang malaking hamon ito para sa kanya.
"Isang panabigong hamon ito sa aking career. bagamat nakakalungkot dahil apat na taon din naman ako sa Ginebra," anang 31 anyos na si Limpot.
"Mukhang may magandang oportunidad na naghihintay sa akin dito. Baka ito na ang tamang team para makakuha ako ng pinaka-aasam kong kampeonato," aniya pa.