Pormal na magbubukas ang PBA season 2004 sa pama-magitan ng PBA Draft sa Glorietta Acitivity Center sa Makati City, sa Enero 16. Pero bago yan, tiyak na maraming pagba-lasa, trade, at rigodon ng mga players.
Kaya abangan ninyo dahil paniguradong yung mga paborito ninyong players ay magsusuot ng panibagong jersey.
At dahil may ilang araw pa bago ang Draft, pinagtutuuan muna ni coach Yeng Guiao ang kanyang political career.
Hindi na talaga mawawala sa dugo ni Yeng ang politika na iniwan ng kanyang yumaong ama na si dating Pampanga Gov. Bren Guiao.
"Ganun talaga, pasa-pasa yan," maikling pahayag ni Yeng na tatakbong vice-Governor sa ilalim ng LAKAS ticket kung saan ang anak ni Gov. Lito Lapid na si Mark ang tatakbong Governor.
Biniro ko nga na kaya siya naubusan ng buhok ay dahil sa pagiging coach ngayon dagdagan pa niya ng pulitika.
"Okay lang na maubos ang lahat ng buhok ko," tanging sambit niya.
Kunsabagay, bagay naman kay Yeng ang kalbo, di ba Mareng Jenny?
Well, wala namang pagbabago dahil parami ng parami ang bilang ng mga basketbolistang pinasok na rin ang mas magulo at maduming daigdig ng pulitika.
Kaya abangan at hahaba pa ang listahan...