Bunga ng panalo, umusad si Gabica sa kanyang ikawalong sunod na appearance sa susunod na linggo bilang featured cue artist sa event na ito.
Bahagyang nakaramdam si Gabica ng panlalamig sa kanyang mga tira nang ipamalas ni Ducanes, ang 1998 Davao Billiards Cup champion na mas kilala sa taguring Pusang Itim, dahil sa kanyang taglay na bilis nang kanyang kunin ang 2-1 kalamangan sa labang ito na sponsored ng Tanduay the No. 1 Rhum, Robinsons Malls at Rommels Billiards--ang opisyal na lamesa.
Ngunit nagawang mabawi ni Gabica ang kanyang composure nang umiskor sa break ni Ducanes sa ikaapat na rack upang itabla ang laban sa 2-all at kinuha ang susunod na dalawang racks upang itarak ang 4-2 kalamangan.
Maaga sanang natapos ni Gabica ang laban, ngunit gumawa ito ng kamalian nang sumablay ang No. 9 ball.
Nauna rito, nauwi naman sa 2-2 pagtatabla ang kanyang laban kontra sa 2003 Mandaluyong Cup Billiards champion na si Emil dela Paz dahil sa kawalan ng oras.