Simon, Purefood nagkasundo na
January 3, 2004 | 12:00am
Nagkasundo ang shooter na si June Peter Simon at Purefoods TJ Hotdogs hinggil sa kanyang dalawang taong kontrata simula sa PBA Fiesta Cup na nakatak-dang magsimula sa Pebrero 22.
Gayunpaman, tatapusin muna ng 62 hitman ang kanyang laro sa Fash Liquid sa ginaganap na PBL Platinum Cup bago pormal na pumirma ng kontrata sa Hotdogs.
Minamatyagan na ng Purefoods si Simon at kakampi nitong si Allan Salangsang noong isang taon ngunit hindi makakuha ng release paper ang dalawa sa kanilang amateur club. Sina Simon at Salangsang ay kapwa free agent na na-draft sa PBA may tatlong taon na ang nakalilipas ngunit hindi naman nakapirma ng kontrata.
Si Simon, isang solidong scorer ay dating naglaro sa Davao Eagles sa nagsarang Metropolitan Basketball Association, ay maaring maka-pagpalakas sa backcourt ng Hotdogs at puwede ring magamit bilang emergency point guard.
Gayunpaman, nais pa rin ng Hotdogs ng isang lehitimong court general at malamang na kunin nila si Mac Cuan kapag available pa ang dating La Salle Green Archer sa ikalawang roung ng 2004 PBA Draft na nakatakda sa Glorietta Activity Center sa Enero 16.
Ang Hotdogs, na ikalawang pipili sa overall sa Draft, ay tiyak na kukunin ang slasher na si James Yap, ang UE Warrior standout. Ang 63 na si Yap mula sa Iloilo, ay isa sa 49 players na nagsumite na ng kanilang aplikasyon sa nalalapit na draft.
Limang Purefoods cagers ang napaso na ang kontrata noong Dis-yembre 31. Sa lima, tanging ang beteranong si Rey Evangelista, ang many-time member ng All Defensive Team, at may hawak ng Sportsmanship Award ang muling pinapirma ng kontrata.
Ang iba pang manlalaro na napaso na ang kontrata ay sina Richard Yee, Gilbert Demape, Chris Cantonjos at Ronald Magtulis. (Ulat ni ACZaldivar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended