^

PSN Palaro

Karera sa AF3 mas hihigpit ngayong 2004

-
Kung matindi ang 2003, mas matindi ang 2004.

Inaasahan ni Jose Luis ‘Pepon’ Marave na magiging mas kahindik-hindik ang karera sa pagdepensa niya ng korona ng Asian Formula 3 sa taong papasok.

Ang 37-anyos na driver ng Shell Helix-Kinetic team ang itinanghal na kampeon sa AF3 matapos siyang magtala ng anim na 1st place at limang 2nd place na puwesto sa 12 karerang inilibot sa Subic at Batangas sa Pilipinas, at sa mga race tracks sa Thailand, Japan at China.

Sa taong darating, nagha-handa siya sa mas matinding labanan lalo pa’t sasali ang mga drivers mula sa China, Hong Kong at Australia.

"Mas matutulin ang kotse ng mga drivers na ito," pahayag niya.

Isa sa mga lalahok na banyaga ay si Christian Jones ng Australia, anak ng 1980 Formula 1 champion na si Alan Jones at isa sa mga sumisikat na F3 drivers sa bansa niya.

Nagpakitang gilas si Jones nang silatin niya ang lahat sa huling dalawang karera ng 2003 season sa Batangas. Ayon kay Marave, mahusay at mas bago ang kotseng gamit ni Jones kumpara sa kanyang sinasakyang Dalara 300 na may makinang Toyota.

"Kailangan palakasin pa namin ang kotse para tumapat sa kotse ni Jones," aniya.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Shell Helix marketing manager Edwin Laset kay Marave na siyang itinuturing na ‘Michel Schu-macher’ ng Pilipinas. "Tiwala kami kay Pepon na made-depensa niya ang titulo niya. Ang karera ang laboratoryo ng Shell at dito namin sinusukat ang galing ng aming mga langis," pahayag niya.

ALAN JONES

ASIAN FORMULA

BATANGAS

CHRISTIAN JONES

EDWIN LASET

HONG KONG

JOSE LUIS

MARAVE

MICHEL SCHU

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with