^

PSN Palaro

Lebanon national team kumpirmado na sa PBA

-
Ang Lebanese national team ang kauna-unahang dayuhang koponan na nagpahayag ng kagustuhan at availability na sumali sa PBA Fiesta Conference na nakatakdang magsimula sa Pebrero.

Nagpahayag si Jean Hammam, pangulo ng Lebanese basketball federation kay PBA commissioner Noli Eala na isang karangalan para sa kanila ang mapabilang sa transition event ng liga.

Ang Lebanon ay isa sa lumalakas na basketball team sa Asya, makaraang bigyan ng sakit ng ulo ang China sa 2001 Asian Championships sa Beijing.

Hawak din ng Lebanon ang pagiging pinaka-kilalang cage league sa rehiyon.

"This is a good news for the league," ani Eala, ng matanggap ang pahayag ng Lebanese federation. "The entry of Lebanon will guarantee a topnotch field and an exciting tournament for our fans. "

Ang Lebanon ay isa sa pinakaseryosong koponan na kinokinsidera para sa dalawang slots na nakalaan sa dayuhang team na lalahok sa apat na qualifiers mula sa liga sa two-division, one-round robin quarterfinals ng Fiesta Conference.

Inimbitahan din ang Australian, Japanese at Korean basketball leagues pati na rin ang Angolan national team na naghahanda para sa Athens Olympics.

"We’ve set a high standards for our foreign entries in the tournament. And while there is nothing definite yet, I can say that Lebanon fits the bill, " ani Eala.

Sa ilalim ng format ng transition tournament, ang 10 teams ay dadaan sa elimination phase na nakatakda sa Pebrero kung saan ang top two squads ay uusad sa quarterfinals.

ANG LEBANESE

ANG LEBANON

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASYA

ATHENS OLYMPICS

EALA

FIESTA CONFERENCE

JEAN HAMMAM

NOLI EALA

PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with