Sino ang papalit sa papel ni Miller?
January 1, 2004 | 12:00am
Sino kaya ang pipiliin ng Red Bull bilang kapalit ni Willie Miller?
Inaasahang ihahayag na ng Barakos ang kanilang mapipiling dalawang player sa Talk N Text, kung kanino nila ipinamigay si Miller, ano mang araw ngayon.
Bukod sa future round pick, makakapamili rin ang Barakos sa roster ng Phone Pals ng dalawang players maliban kina Asi Taulava, ang 2003 MVP at Jimmy Alapag, ang 2003 Rookie of the Year.
Kabilang sa pagpipilian ng Red Bull ay sina Kahi Villa, Bong Ravena, Harvey Carey, Noli Locsin, Patrick Fran, Marc Clemence Telan, Jojo Manalo, Vic Pablo at Felix Belano.
Tiyak na kukuha ng guwardiya ang Barakos sa pagkawala ni Miller lalo pat ang kanyang back-up na si Jimwell Torion ay suspindido pa sa transition tournament na tatawaging Fiesta Conference.
Dahil dito, posibleng sina Pattrick Fran, Felix Belano o Jojo Manalo ang kunin ng Thunder.
Napilitan ang Red Bull na I-trade si Miller dahil hindi nito pinipirmahan hanggang ngayon ang mahigit P12 milyong kontrata sa kanyang hangaring maghanap ng ibang option.
Samantala, nanana-tiling malaking katanungan pa rin kung sino ang bagong TV coveror ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pagpasok ng bagong 2004 season ng liga?
Ayon sa mga balita, may desisyon na ang PBA Board of Governors ukol sa usaping ito ngunit sa pagpasok pa ng bagong taon nila ito ihahayag.
Matunog ang balitang ibibigay ng PBA ang tv rights sa ABC-5 na pagmamay-ari na ngayon ni Tonyboy Cojuangco, ang nagmamay-ari ng dating PBA franchise na Mobiline.
Ang offer ng ABC-5 ang mas napusuan ng Board kaysa sa Jemah Films at sa Solar Sports.
Gayunpaman, umaasa pa rin ang National Broadcasting Network na mananatili pa rin sa kanila ang television coverage.
Ayon kay NBN-4 chairperson Mia Concio, bagamat kinansela na ng PBA ang three-year contract na sa isang taon pa sana matatapos, may pag-asa silang maipapag-patuloy nila ang pagko-kober ng liga kung silay makakatupad na requirement ng board.
May ilang bagay na hiningi ang board na kailangang ibigay ng NBN kahapon ngunit kung hindi ito magagawa ng NBN ay tuluyan nang mapapasakamay ng ABC-5 ang TV rights.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended