Milo Junior Netfest Finals
December 30, 2003 | 12:00am
Pinayukod ni Julie Em Botor ang mahigpit na paboritong si Ivy de Castro, 6-2, 7-5 upang itakda ang kanyang pakikipaglaban sa top seed na si Bien Zoleta sa girls18-under division sa pagpapatuloy ng 2003 Milo Junior Tennis Cup sa Ynares Sports Center claycourts sa Pasig.
Sa kauna-unahang pagkakataon, si Botor ay sasabak sa junior girls 18 title kontra sa seasoned na si Zoleta na nakaligtas sa mahig-pitang labanan kontra kay Melissa Orteza, 7-5, 7-5.
Ngunit ang tagumpay ni Bien ay nalukuban ng lungkot nang ang kanyang nakababatang kapatid na si Bambi ay nabigong umusad sa final nang lumasap ng 6-1, 6-4 pagkatalo sa mga kamay ni Nikkie Manalo ng Angeles City sa girls 16-under bracket.
Makakasagupa ni Manalo ang No. 1 pick na si Jessica Agra na pumigil naman sa giant-killer na si Botor, 6-3, 6-1 sa year-ender Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Wilson balls, Adidas ang NBN-Sunday TV show Sports Kids kung saan may sanction ito ng Philta.
Sa girls 12-under class, kumana si Sarah Jane Lim ng 6-1, 6-3 panalo kontra kay Chynna Mamawal upang ipormalisa ang kanilang pagtitipan ni Zhane Quitara na umiskor naman ng 6-3, 6-3 tagumpay laban kay Joan Opulencia para sa korona.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended