Ateneo,San Beda kampeon
December 30, 2003 | 12:00am
Pinayukod ng Ateneo ang La Salle, 78-65 habang namayani naman ang San Beda sa Benedictine International School, 78-57 upang umitin ang 13-under at 16-under crowns, ayon sa pagkakasunod sa San Miguel Corporation Holiday Hoop Challenge nitong nakaraang Linggo sa La Salle Greenhills Gym sa San Juan.
Sumandig ang Blue Eaglets sa pinagsamang 30 puntos nina Felix Pepito at Andrew Felix nang kanilang igupo ang La Salle sa finals na eksklusibong sinuportahan ng SMC at ng kani-kanilang produkto.
Samantala, bumandera naman sa Red Cubs sina James Martinez at Jay-R Taganas nang kanilang pagtulungang trangkuhan ang koponan kontra sa Benedictine International School sa pag-poposte ng 25 at 19 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Nakakuha rin ng bonus si Taganas nang mahirang na Monterey Most Valuable Player habang si Jose Yambao ng SBPPA ang siya namang kumuha ng nasabing karangalan sa 13-under division bagamat sumablay ito sa pag-akyat sa finals.
Nagwagi naman si Jun Jun Galang ng Dominican School ng TJ Hotdogs Most Promising Player na ipinagkaloob ng four-time MVP na si Alvin Patrimonio.
Kabilang sa miyembro ng Mtythical Team sa 13-under sina Pepito (Cali Point Guard), John David Dumrique (Cali Shooting Guard), Benjamin Bolivar ng Claret ( B-Meg Small Forward), Salva ng La Salle (Moby Best Power Forward) at Moby Best Center award na ipinagkaloob naman kay Vince Fran ng La Salle.
Nakasama naman sa 16-under squad sina Mykee Victo-rino ng Benedictine (Cali Point Guard), Martinez ng San Beda (Cali Shooting Guard), Nico Prin-cipe ng San Beda (B-Meg Best Small Forward), John Foronda of Benedictine (TJ Hotdogs Best Power Forward) at Moby Best Center naman si Jeff Libunao ng SBPPA.
Kabilang sa tumulong na nagkaloob ng awards ay sina four-time MVP Mon Fernandez Richie Ticzon, Ato Agustin, Jolly Escobar, Romel Adducul ng Ginebra, Hector Calma at Jolly Escobar.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest