^

PSN Palaro

Tagumpay ni Tanamor,kikilalanin sa PSA Awards Night

-
Ang amateur boxing ang siyang pinagkukuhanan ng mina ng tagumpay ng isang tao.

At ang kanyang pangalan ay si Harry Tanamor.

Magaang na umangat ang 25-anyos na ipinagmamalaki ng Cagayan de Oro City sa kanyang trono mula sa Indian provinces ng Goa at Hyderabad sa siyudad naman ng Ho Chi Minh sa Vietnam nang manalo ng tig-isang gold medal.

At ang kanyang karangalan ang nagbigay ng pagkakataon upang kilalanin ng pinakamatanda ng media organization, ang Philippine Sportswriters Association (PSA) bilang amateur boxer ng taon sa ikalawang sunod na pagkakataon.

At sa gabi ng Enero 9 sa Manila Pavilion, makakasama ni Tanamor ang piling mga pararangalan sa pangunguna nina co-Athletes of the Year boxing champion Manny Pacquiao at bowling hero Christian Jan (CJ) Suarez na kikilalanin ng buong sportswriting fraternity bunga ng kani-kanilang tagumpay na ginawa sa kasalukuyang taon.

Ngunit para kay Tanamor, ang taong ito ang siyang pinakamaningning.

Ang kanyang ginintuang kampanya sa 1st Goa International Boxing Championships sa India na sinundan ng kanyang pagwawagi ng nag-iisang ginto ng boxing sa inagurasyon ng Afro-Asian Games at ang pagsusubi ng ginto sa nakaraang 22nd Southeast Asian Games na siyang tumabon sa pagka-bokya ng Filipino pugs sa biennial meet.

Walang iba kundi ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ang First Gentleman na si Mike Arroyo ang magbibigay ng award kay Tanamor at sa iba pang awardees sa dalawang oras na ceremonies na sponsored ng Red Bull at Agfa Colors na may suporta din ng Philip-pine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Mayor Lito Atienza, San Miguel Corp., at Philippine Basketball Association.

Kasama ni Tanamor bilang major awardees sina Dorothy Delasin, women’s golf; Wind Blown, horse of the year; Mark Paragua, chess; Arnel Quirimit, pro cycling; Patty Dilema, jockey of the year; Asi Taulava, pro basketball at James Yap, amateur basketball.

vuukle comment

AFRO-ASIAN GAMES

AGFA COLORS

ARNEL QUIRIMIT

ASI TAULAVA

ATHLETES OF THE YEAR

CHRISTIAN JAN

DOROTHY DELASIN

FIRST GENTLEMAN

GOA INTERNATIONAL BOXING CHAMPIONSHIPS

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with