^

PSN Palaro

TV coveror ng PBA ihahayag na

-
Inaasahang sa pagtatapos ng pagpupulong ng Board of Governors ng Philippine Basketball Association (PBA) ngayon ihahayag na nila ang bagong TV coveror ng liga.

At inaasahang ang ABC-5 ang kanilang pipiliing bagong kasama sa pagpasok ng bagong season ng PBA sa darating na 2004.

Matunog ang balitang igagawad ng PBA board ang TV rights sa ABC-5 at ito’y inaasahang ipopormalisa nila pagkatapos ng meeting ngayon.

Ang ABC-5 ang may bentahe sa tatlong networks na pinagpipilian ng PBA Board dahil ito ay pagmamay-ari na ngayon ng dating PBA franchise (Mobiline) owner Tonyboy Cojuangco.

Nauna nang inamin ni PBA Board chairman Jun Cabalan na nakalalamang ang ABC-5 ngunit ayaw niyang pangunahan ang announcement nang wala ang ibang miyembro ng Board.

Na-postpone ang meeting ng Board noong Biyernes dahil ang ibang miyembro ng Board ay nagbabakasyon pa.

Ang ABC-5 ay nag-alok ng guaranteed P100 million na bayad ngunit mayroong pag-aalinlangan ang PBA sa delayed telecast ng mga laro dahil nagko-concentrate ang ABC-5 sa pag-i-improve ng news program para makasabay sa ABS-CBN 2 at GMA-7.

Kinailangan ng PBA na pumili ng bagong TV coveror matapos bitiwan ang NBN-IBC consortium na hindi nakakapagbayad ng kanilang utang sa liga.

Ang dalawa pang pinagpipilian ng Board ay ang Jemah Films na siyang kumober ng kampanya ng bansa sa Southeast Asian Games sa Vietnam at ang IBC-13.(Ulat ni Carmela V. Ochoa)Huling araw ng aplikasyon

Ngayon ang araw ng deadline ng pagsusumite ng application form para sa Rookie Draft ng Philippine Basketball Association na gaganapin sa Enero 16.

Dahil dito, inaasahang dadagsa ang mga aspiring rookies sa PBA Commissioners para makahabol sa huling palugit na ibinigay ng liga para sa mga aplikante.

Hanggang alas-5:00 ng hapon maaaring magpasa ng application kasama ang mga requirements para sa mga players na nais pumasok sa pro.

Mayroon nang kabuuang 16 aplikante ng Rookie Draft. Ang dalawang pinakahuling nagpasa ng kanilang application forms ay sina Paul Artadi ng University of East at Mac Cuan mula sa De La Salle University.

Inaasahang papasok na rin sa araw na ito ang application form ni Wesley Gonzales ng Ateneo, PBA slamdunk king Mark Pingris at St. Francis of Assisi standout Ranidel de Ocampo.

Kabilang sa mga nau-nang nakapagpasa na ng application ay sina Rich Alvarez ng Ateneo, Gary David, Arnold Booker, Arvin Garcia, Ram Carlo Sharma, Manuel Ramos, Theodore Hawkins, Alvin Pua, Lyndon Magat, Niño Bien Marquez at Kim Joseph Valenzuela. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ALVIN PUA

ARNOLD BOOKER

ARVIN GARCIA

ATENEO

BIEN MARQUEZ

BOARD

BOARD OF GOVERNORS

CARMELA V

PBA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with