^

PSN Palaro

Arcilla,Victorino sali sa Gov. Adiong National Open

-
Pangungunahan nina Johnny Arcilla at Joseph Victorino ang mga partisipante sa unang Governor Mamintal ‘Mike’ Adiong National Open na nakatakda sa Enero 6-12 sa Mindanao State University Center sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ang total cash prize at P200,000 kung saan ang singles champion ay aani ng P40,000 at ang runner-up ay may P22.,000.

Ang mga premyo sa doubles ay P25,000 sa winners at P13,000 sa runner-up.

Ang mga interesado ay maaaring tumawag kay Loida Mallare sa Philta office (525-6434), Melchor Sabandon (0919-4042138) at Henry Daut (0920-5630431). Ang Deadline ng entry ay sa Enero 3 sa alas-12:00 ng tanghali.

Ang isang linggong torneong ito ay sanctioned ng Philippine Tennis Association sa tulong ng Dunlop Philippines, Adiong Caltex and Car Service, Maika’s Convinience Store, DXSM Radio Ranao, MSU Tennis Club, Ivory Printing and Publishing House, Saaverda Paint House, Marawi Cable TV network, See the World Travel and Tours, A & G Metalcraft. Nema Electrical Supplies at XRG Hardware.

Ang tournament organizers ang gagastos ng airfare at board and lodging sa top eight players sa Philta national rankings habang ang ibang participants ay may libreng board and lodging lamang.
Milo Jr. Netfest
Pinangunahan nina June Alban ng Surigao City, John Anthony Sobrevega ng Iloilo at Leyan Moncera ng Olongapo ang mga provincial entries na nanalo sa boy’s 14-under division kahapon sa 2003 Milo Junior Tennis Cup sa Ynares Center claycourts sa Pasig.

Tinalo ni Alban si Paul Cang, 6-3, 6-4, iginupo ni Sobrevega si Rodel Navarro, 6-3, 6-0 at naungusan ni Moncera si Juan Carlo Pantua ng South Cotabato, 1-6, 6-1, 6-4.

Pinabagsak naman ni Marvin Serito ng Cagayan de Oro si Luis Locsin, 6-4, 6-3 habang inilampaso naman ng Batac, Ilocos Norte pride Patrick Arevalo si Francis Onate, 6-1, 6-3 sa year ender Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Wilson ball, Adidas at NBN 4 Sunday TV show Sports Kids.

Ang iba pang nanalo ay sina Jopy Mamawal laban kay Karl Cruz, 6-0, 6-0; Aidan Moselina kay Klentz Chua, 6-1, 7-5; Christopher Borlongan kay Angelo Patrimonio 6-4, 5-7, 6-1; Mark Alcachupaz laban kay Raymond Padigos, 6-1, 6-2; Johnwill Baldonado kontra kay Carlos Espedido, 6-3, 7-5; at Gian Carlo Pantinio kay Riel Flores, 6-1, 6-3.

ADIONG CALTEX AND CAR SERVICE

ADIONG NATIONAL OPEN

AIDAN MOSELINA

ANG DEADLINE

ANGELO PATRIMONIO

CARLOS ESPEDIDO

CHRISTOPHER BORLONGAN

CONVINIENCE STORE

DUNLOP PHILIPPINES

ENERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with