Mangubat, Doliquez babangon

Dalawang talunang world boxing title challengers, sina Randy Mangubat at Roy Doliquez ang maghahangad na bumangon sa magkahiwalay na laban ngayon sa main event ng libre sa publikong five-bout boxing show nina Gabriel ‘Bebot’ Elorde Jr. at Pablo Olivarez sa San Antonio Barangay, SAV 1, Parañaque City.

Asam ni Mangubat na mapatunayan ang tawag sa kanyang ‘The Destroyer’ sa kanyang pakikipagharap kay Flash Simbajon sa ikatlong laban. Nanalo si Mangubat kay Simbajon sa kanilang naunang dalawang pagtatagpo sa pamamagitan ng 7th technical decision at 10-round unanimous decision noong 1996.

Ang tatlong iba pang laban na kukumpleto sa baraha na magsisimula sa alas-6 ng gabi ay ang bakbakan nina bantamweight Elderd Romero at Allan Fuentes, Carlito Brosas kontra kay Ramil Caballes sa 147 lbs. habang makikipagharap naman si Alex Escaner kay Ariel Austria sa superbantamweight class.

Show comments