^

PSN Palaro

Semis sa pagpili ng US-bound Milo Checkmate team

-
Ang semifinal round ng selection para sa miyembro ng 2004 US-bound Milo Checkmate team ay magsisimula na ngayong alas-9:00 ng umaga sa fourth floor ng J&F Divino Bldg. na matatagpuan sa 967 Aurora Blvd. malapit sa LRT 2 Anonas Station sa Quezon City.

Labingsiyam na Checkmate kids ang nag-qualify sa tatlong serye ng eliminations na ginanap sa Manila, Region 1 at Region 3 na maglalaban para sa 12 semifinal slots patungo sa final round.

Ito ay ang mga sumusunod.

Under 7 -- Malcolm Kwok, Aldous Roy Coronel, Christian Anthony Flores, Jerome Corpuz, Patrick Dulay at Brena Mae Membrere.

Under 10 -- Wayne Cohereo, Antoni Angelo Seloterio, Christy Lamiel Bernales at Jan Nigel Galan.

Under 12 -- Carlo Pua, Mark Derro, Kenneth Rovillos, Might Nicole at Lev Abug.

Juniors -- John Mark Lazaro, Ace Ampalayo, Whiz Noche at Dominique Layugan.

Ang lahat ay dadaan sa single round Robin System sa kani-kanilang age-group. Ang top three finishers sa bawat kategorya ay uusad sa finals kung saan makakaharap nila ang mga finalists noong nakaraang taon na kinabibilangan nina John Robin Buenavista at Rommelle delos Santos.

Ang finals ay nakatakda sa Enero 3-5, 2004.

ACE AMPALAYO

ALDOUS ROY CORONEL

ANONAS STATION

ANTONI ANGELO SELOTERIO

AURORA BLVD

BRENA MAE MEMBRERE

CARLO PUA

CHRISTIAN ANTHONY FLORES

CHRISTY LAMIEL BERNALES

DOMINIQUE LAYUGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with