Hangad din ng Ateneo na makaharap ang alinman sa La Salle A o La Salle B para sa 13-under division title sa kanilang pakikipagharap sa SBPPA sa semifinals match na nakatakda sa alas-10:30 ng umaga sa 13-under division.
Pangungunahan ni Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain ang mga panauhin sa finals na bukas kung saan ihahayag ang Most Valuable Player, Most Promising Player at ang Mythical Five.
Makakasama ni Buhain sina PBA Fourtime MVP Mon Fernandez at Alvin Patrimonio bukod pa kina Hector Calma, Ato Agustin at iba pang miyembro ng San Miguel All Stars.
Ang La Salle na kasalukuyang may 4-0 card ay mapa-pasabak sa kanilang sister team na may 4-1 record sa alas-9:00 ng umaga para sa 13-under category. Ang Blue Eagles ay may impresibong 5-0 win-loss slate laban sa 4-1 ng SBPPA sa torneong ito na suportado ng SMC major brands na kinabibilangan ng Magnolia, Purefoods-Hormel, Monterey, Cali, B-Meg, Funchum at Viva.
Ang Harrys Up 1 at 2 na parehong suportado ni Manila Rep. Harry Angpin, ay magta-tangkang isaayos ang 16-under division titular match bukas sa pakikipagharap sa Benedictine International School at San Beda College ayon sa pagkakasunod sa alas-9:00 at alas-10:30 ng umaga.
Tumapos ang Harry Up teams na may parehong 4-1 record sa eliminations habang pinanguna-han ng San Beda ang Group A na may 5-0 record.