Junior netters magpapasiklaban

Inaasahang magpapasiklaban ang mga national junior aspirants para sa yearender na 2003 Milo Junior Tennis Cup na gag anapin sa Ynares Sports and Cultural Center outdoor clay courts sa Pasig Kapitolyo sa December 26-30.

Ang Milo Junior Tennis Cup ay isa sa ilang natitirang age group tournaments na may Philta points na siyang pagbabasehan ng kakatawan ng Philippines sa World NIT 14-under at bubuo ng Junior Davis Cup.

Tampok na events sa Milo netfest na ito na inorganisa ng Children’s Tennis Workshop at suportado ng Wilson Balls, ay ang Adidas at NBN-4 Sunday tv show Sports Kids ay ang boys’ and girls’ 18-under, 16-under, 14-under, 12-under at unsex 10-under divisions.

Sinabi rin ni tournament referee Rene Selmar na may doubles sa 21-under, 18 under, 14-under at 10-under categories.

Ang deadline ng registration ay sa alas-12:00 ng tanghali ng Miyerkules, Dec, 24 sa Pasig Kapitolyo venue na agad susundan ng draw.

Show comments