Kakaibang PBA Annual Awards

Kakaiba ang awards night para sa PBA ngayong taon na ito.

Ginanap ito sa Music Museum at kahit paano, nag-enjoy naman ang mga players na dumalo. For the first time , nakita sila ng tao na naka-formal wear, halos lahat naka-Amerikana, at talaga namang naging kakaiba ang dating nila.

Ang aming pagbati sa PBA for having come up with such an idea. Nais din nating batiin ang mga nanalo sa annual awards night na yan.
* * *
Si Asi Taulava ang nanalong bilang Most Valuable Player for 2003. Ilang beses umakyat si Asi sa stage dahil marami siyang napanalunan na awards. At tuwing aakyat siya to receive his award, may pinasasalamatan siya.

As in yung misis niya, yung nanay ng misis niya, ang mga fans, ang press,  ang Talk N Text management.Okay naman yun , kaya lang pakiramdam namin may nakalimutan siya.

Ang dapat na higit niyang pinasalamatan at dapat na hindi niya nakalimutan ay si PBL Chairman Dioceldo Sy. Si Dioceldo Sy ang nagdala rito kay Asi sa Pilipinas at pinalaro sa Blu Detergent.

Ilang taon ding inalagaan at binigyan ng exposure ni Dioceldo si Asi. At anumang tagumpay ang tinatamasa ngayon ni Asi, napakalaking papel ang ginampanan dyan ni Dioceldo.
* * *
Kahit paano, nairaos nila yung coverage. Kahit may mga palpak. May mga taong dumadaan sa camera.

Habang nage-emcee sina Quinito Henson at Chiqui Roa-Puno ay may mga kamay na lumalabas sa podium at iniaabot yung spiels. Yung mga presentors na players, di alam kung saan pupuwesto sa kanilang pag-a-award.

Yung mga pagsasalita ng ibang presentors, mali-mali, pero ginagawa na lang nilang pa-kuwela kaya nagtatawanan ang audience.

Pero yan ay mga usual flaws naman within a live program kaya okay lang. As a whole, okay naman ang presentation. Mabuti at yung mga players eh maiiksi lang ang speech.

Hindi tulad sa mga showbiz awards na pagkahahaba ng mga speech na walang kuwenta. At least, ang mga players, quick and precise.
* * *
Napaka-touching nung Gawad Emerson Coseteng award na ibinigay kay dating Com. Leo Prieto.

Tutuo yan, napakalaking papel ang ginampanan ni Mr. Prieto sa pagpapalago ng PBA nung 1975 onwards. Kung ano man ang tina-mong tagumpay ng PBA at nung mga sumunod na commisioners, nakuha lang yan lahat nila kay Mr. Prieto.

It was so good and admirable of the PBA to have thought of giving such a special recognition to Mr. Leo Prieto !!!
* * *
Marami ang umasa na si Rudy Hatfield ang siyang magiging MVP. Pero okay na rin yun sa kanya, hindi man siya MVP, champion naman ang team niya. At oo nga, yan ang mas mahalaga.

Tulad din ng sinabi ni Jeff Cariaso na parang unfair na sila lang ni Rudy ang nasa stage na tumatanggap ng award na kung hindi naman dahil sa teamwork ng buong koponan eh hindi nila magagawa yun. Very well said, Jeffrey Cariaso!

Sa speech ni Rudy Hatfield, nagpasalamat siya sa pamilya niya, sa mga magulang niya, sa kapatid niya, sa press, at sa fans niya. At sa kanyang lucky charm. Nahiya pa siyang banggitin si Ruffa Mae Quinto.

Sus!
* * *
At di pa ba naalarma ang mga local players natin. Sa 10 na nasa Mythical Selection, 2 lang ang purong pinoy.

Sa 5 na pumasok sa Mythical Five, 1 lang ang purong Pinoy at yan ay si Dennis Espino.

At ano kaya ang naging pakiramdam ni Senator Robert Jaworski habang iniaabot niya ang MVP trophy sa isang player na ayon sa mga kasama niya sa Senado ay isang fake na Fil-am?

Show comments