^

PSN Palaro

Bagong pag-asa para sa RP cycling

-
HANOI -- Panibagong pag-asa para sa cycling ang gintong medalyang nakopo ni Navyman Eusebio Quiones sa katatapos lamang na Southeast Asian Games.

"It’s definitely the signal of a new era of Philippine cycling, or putting it modestly, it’s putting cycling back to where it used to be," sabi ni Mar Mendoza, secretary general ng cycling national association na siya ring team manager ng Filipino riders na dumating kahapon bitbit ang gintong medalya ni Quinones mula sa cross country event.

Dagdag pa rito ang silvers nina Victor Espiritu at Warren Davadilla sa ITT at road race ayon sa pagkakasunod at bronzes nina Baby Marites Bitbit at Alfie Catalan sa women’s cross country at criterium ayon sa pagkakasunod.

Nagalak si PhilCycling president Bert Lina, sa ginto na maaari niyang ipagmalaki kahit dalawang buwan pa lamang itong umupo bilang pinuno ng asosasyon.

Aniya ito ang magiging daan para maging hari ng SEA Games cycling ang Philippines.

"This campaign has allowed us to take a peek as to how our cyclists fare against our neighbors and what we should do with our own programs back home," ani ni Lina, naghanda ng isang welcome ceremony para sa cycling team.

ALFIE CATALAN

ANIYA

BABY MARITES BITBIT

BERT LINA

CYCLING

DAGDAG

MAR MENDOZA

NAVYMAN EUSEBIO QUIONES

SOUTHEAST ASIAN GAMES

VICTOR ESPIRITU

WARREN DAVADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with