Game 7: Beer o Coke?

San Miguel o Coca-Cola?

Ang katanungang ito ang mabibigyang kasagutan pagkatapos ng deciding Game-Seven ngayon na magtitiklop ng PBA Samsung Rein-forced Conference at ng 2003 season ng PBA.

Naipuwersa ng San Miguel ang winner-take all match na ito matapos ang 85-80 panalo sa Game-Six na nagtabla ng best-of-seven serye sa 3-3 panalo-talo.

Bagamat pitong beses nang nakarating sa finals si coach Jong Uichico, baguhan ito sa kanilang sitwasyon dahil first time niya sa Game-Seven.

Muling sasandalan ni Uichico sina import Kwan Johnson, Danny Ildefonso, Dondon Hontiveros, Nick Belasco habang sina Tee McClary, Rudy Hatfield, Rafi Reavis at Jeffrey Cariaso naman ang kanilang makakatapat sa Tigers.

Show comments