^

PSN Palaro

Taulava o Hatfield ?

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Iyan ang katanungang bumabalibol sa isipan ng mga sumusubaybay sa Philippine Basketball Association. Sino nga ba kina Taulava at Hatfield ang pararangalan bilang Most Valuable Player ng 29th season ng PBA?

Malalaman ang kasagutan sa Lunes sa annual awards night ng liga na gaganapin sa Music Museum sa Greenhills.

First time ito, ha!

Hindi igagawad ang mga awards sa playing venue kundi sa isang hiwalay na lugar. Kadalasan kasi’y isinasagawa ang awards night bago ang Game-Four ng Finals ng third oconference at pagkatapos ay lilinisin ang hardcourt at paghihintayin nang napakatagal ang mga fans bago magsimula ang laro.

Sina Taulava at Hatfield ang siyang leading contenders para sa MVP award. Dikit ang kanilang statistical points at kung nagwagi ang Coca-Cola kontra San Miguel Beer kagabi upang makopo ang kampeonato ng Reinforced Conference ay parehas silang naka-pagsubi ng titulo sa taong ito. Pareho din silang naparangalan bilang Best Player of the Conference - Si Taulava sa All-Filipino at si Hatfield sa Reinforced.

So, walang itulak kabigin sa dalawang ito.

Kaya lang, siyempre marami din ang mayroong agam-agam sakaling isa sa kanilang dalawa ang parangalan bilang MVP.

Kasi nga, ang dalawang ito’y kabilang sa listahan ng mga manlala-rong inimbestigahan ng committee ni Senator Robert Barbers at inirekomendang ipa-deport!

Paano kung tuluyang ma-deport ang sinuman sa kanilang dalawa? Paano kung ma-deport ang manlalarong mapipiling MVP ng 29th PBA season?

Natural na magkakaroon ng batik ang awardee ng PBA at magka-karoon ng asterisk sa pangalan ng 29th season MVP.

Kung sabagay, hindi na naman ito bago para sa PBA, e.

Hindi nga ba’t si Sonny Alvarado ay naging Rookie of the Year noong 1999 at nakabilang pa sa Mythical team. Pero nang sumunod na season ay pinalayas siya dahil napatunayang peke ang kanyang papeles at wala siyang dugong Pinoy.

Hindi naman binawi ng PBA ang award na naibigay na sa kanya at ang kanyang pangalan pa rin ang nakalagay sa history books ng liga.

So kung walang problema noon, wala ring magiging problema sakaling magkaroon ng gusot hinggil sa mapararangalang MVP sa taong ito. Kahit sino naman kina Taulava at Hatfield ay deserving base sa kanilang performance at hindi sa kanilang off-court na akusasyon sa kanila!
* * *
HAPPY birthday kay dating Sports Communicators Organization of the Philippines (SCOOP) President Beth Celis na magdiriwang ng kanyang kaarawan bukas, Disyembre 14.

Belated birthday greetings naman kay dating Darts Council of the Philippines (DCP) president Dick Odulio na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Disyembre 8.

BEST PLAYER OF THE CONFERENCE

DARTS COUNCIL OF THE PHILIPPINES

DICK ODULIO

DISYEMBRE

HATFIELD

MOST VALUABLE PLAYER

MUSIC MUSEUM

PAANO

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

PRESIDENT BETH CELIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with