RP cyclist naka-1 gold
December 13, 2003 | 12:00am
HO CHI MINH -- Hindi nabigo ang Philippine cycling team sa kanilang huling baraha para makasungkit ng gintong medalya nang pumidal si Eusebio Quinones ng gold sa mens cross country ng mountain bike sa 22nd Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi.
Ito ang kauna-unahang gold ng cycling sa SEA Games mountain bike.
Unang napagwagian ni Joselito Santos sa 1 km time trial sa 1995 edition sa Chiang Mai, Thailand. Ikalawa si Victor Espiritu sa Individual Time Trial din sa Jakarta noong 1997 ngunit ito naman ay dahil natuklasang positibo ang Indonesian rider na si Tonton Susanto sa ipinagbabawal na substance.
"Talagang pinilit namin kasi last event na kami sa cycling at ayaw namin na umuwi na walang ginto," anang 30 anyos na si Quinones, isang Seaman First Class sa Philippine Navy. "Nakakaiyak nga kasi narinig din naming tumugtog ang national anthem natin sa cycling.
Kunswelo din sa Pinas na pumangatlo para naman sa bronze medal ay ang Pinoy na si Frederick Feliciano.
Si Quinones ay na-orasan ng 1:47:23.16 seconds para mau-ngusan si Thai Masae Tawatcha 1:06.86 ha-bang dumating si Feliciano sa tiyempong 1:52:46.230. (Ulat ni DMV)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended