Tila nahirapan pa ang Nationals sa kanilang laban sa Indons nang sa naka-raang tatlong asignatura, pawang mga tambak ang kanilang mga kalaban, ha-bang dikit lang dito sa Indons na pinamamahalaan ng Pinoy na si Bong Ramos.
Nakaabante pa ang Indonesians ng hanggang 12 puntos, 10-22 sa opening quarter na nagawang ibaba sa halftime 34-37.
Nagsimulang umalagwa ang Pinoy sa pagbubukas ng ikatlong quarter nang manalasa muling sina James Yap at Gary David na nagtala ng tig-20 puntos, upang itala ang 60-46 na kalamangan sa pagtatapos ng ikatlong yugto.
Ngunit mula sa huling malaking bentahe na 66-46 para sa Pinoy, nagsimula ng bumuka ang depensa nila at maging sa opensa ay nag-mimintis na rin.
Nagbanta pa ang Indons nang magpakawala ng three-pointers si Mario Wuysang, 65-70.
Sa kababaihan, dinurog din ng Pinay cagebelles ang Indons, 55-47. Pahinga ngayon ang RP men at pati na rin ang mga babae. (DMV)