^

PSN Palaro

4-0 na ang RP-5

-
HO CHI MINH -- Nairehistro ng RP-Cebuana Lhuillier ang ikaapat na sunod na panalo makaraang igupo ang Philippine-coached Indonesian Team, 75-70 sa pagpapatuloy ng aksiyon sa basketball competition ng 22nd Southeast Asian Games sa Military Gym kahapon.

Tila nahirapan pa ang Nationals sa kanilang laban sa Indons nang sa naka-raang tatlong asignatura, pawang mga tambak ang kanilang mga kalaban, ha-bang dikit lang dito sa Indons na pinamamahalaan ng Pinoy na si Bong Ramos.

Nakaabante pa ang Indonesians ng hanggang 12 puntos, 10-22 sa opening quarter na nagawang ibaba sa halftime 34-37.

Nagsimulang umalagwa ang Pinoy sa pagbubukas ng ikatlong quarter nang manalasa muling sina James Yap at Gary David na nagtala ng tig-20 puntos, upang itala ang 60-46 na kalamangan sa pagtatapos ng ikatlong yugto.

Ngunit mula sa huling malaking bentahe na 66-46 para sa Pinoy, nagsimula ng bumuka ang depensa nila at maging sa opensa ay nag-mimintis na rin.

Nagbanta pa ang Indons nang magpakawala ng three-pointers si Mario Wuysang, 65-70.

Sa kababaihan, dinurog din ng Pinay cagebelles ang Indons, 55-47. Pahinga ngayon ang RP men at pati na rin ang mga babae. (DMV)

BONG RAMOS

CEBUANA LHUILLIER

GARY DAVID

INDONESIAN TEAM

INDONS

JAMES YAP

MARIO WUYSANG

MILITARY GYM

PINOY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with