^

PSN Palaro

40 golds malapit nang maabot

-
HO CHI MINH CITY -- Unti-unting lumalapit ang Philippines sa target na 40 golds nang apat pa ang naidagdag sa kanilang koleksiyon sa 22nd Southeast Asian Games na ginaganap sa Hanoi at Ho Chi Minh City ng Vietnam.

Kahapon, iprinisinta nina reigning world wushu champion Arvin Ting at kapwa world campaigner Willy Wang ang dalawa sa apat na gintong nakolekta sa araw na ito.

Ang 15 anyos na broadsword titlist sa 7th world championships noong na-karaang buwan sa Macau, ay umiskor ng 9.31 points para ibulsa ang gintong medalya sa sunshu sa Trinh Hoat Duc gymnasium sa Hanoi.

Kasunod lang ito ng golden performance ni Wang, bronze medalist sa spear play sa nakaraang world competition sa quiangshu, na bagong event sa wushu dito.

Naghagis naman ng 55.28 meters si Arneil Fer-rera para makopo ang gold sa hammer throw event na ginaganap naman sa National Stadium sa Hanoi.

Sa unang bato pa lamang ng 22 anyos na taga-Cauayan, Negros Occidental at bronze medalist lamang noong Kuala Lumpur SEAG, nagmarka na ito ng 53.17m.

Iniskrima naman ni Walbert Mendoza ang ginto sa saber event ng fencing para sa kabuuang 32 gold medals na nakolekta ng bansa na humigit sa kanilang 31 ginto noong 2001 Kuala Lumpur SEA Games.

Ang 5’9 at 24 anyos na beteranong fencer ng iba’t-ibang international competitions ay namayani kay Sydney Olympic double bronze medalist Wiradech Kothny ng Thailand, 15-10 para mapanatli ang indivi-dual saber crown na kan-yang napagwagian sa KL Games.

Itinala naman ni Ferrera ang ikapitong gintong medalya para sa athletics upang daigin ang Indone-sian na si Ong Kok Hin at Malaysian Wong Tee Kui.

Inihabol naman ng fencing team na binubuo nina Rolando Canlas Jr., Ramil Endriano, Ruperto Endriano Jr. at Emerson Seguina ang men’s foil gold matapos manalo sa Vietnam team.

Nakuntento lamang sa silver medal ang skeet shooter na si Paul Brian Rosario para sa kanyang kontribusyon sa kampanya ng bansa sa biennial meet dito gayundin si Joanna V. Franquelli na dating miyembro ng national wo-men’s basketball team na umiskrima ng bronze sa women’s individual saber habang isa pang trackster, si Melinda Manahan ang nag-uwi ng bronze medal sa 20km walk. (Ulat ni Dina Marie Villena)

ARNEIL FER

ARVIN TING

DINA MARIE VILLENA

EMERSON SEGUINA

HO CHI MINH CITY

JOANNA V

KUALA LUMPUR

MALAYSIAN WONG TEE KUI

MELINDA MANAHAN

NATIONAL STADIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with