Unang kumuha ng gold si Baylon sa 1991 SEA Games sa Manila para sa kanyang ikaanim na SEAG gold ngayon.
At buhat noon, hindi na niya binigyan na pagkakataon ang mga kalaban na maagaw sa kanya ang trono.
Sa katunayan, sa edad na 39 anyos, wala pang balak magretiro si Baylon.
"Malakas pa naman ako at nararamdaman kong kaya ko pang maglaro. Bakit naman ako titigil," wika ni Baylon na isang Kodokan 6th Dan at full time athlete. "Hayaan kong ang katawan ko ang umayaw," dagdag pa niya.
"Kung hindi na kaya ng katawan ko, siguro hihinto na ako," dagdag pa ni Baylon na bagamat umukit ng ginto noong Linggo ng gabi ay tila nahirapan pa siya sa kanyang kalaban.
"Di naman, nag-iingat lang kasi yung Indonesian na kalaban eh kasama kong nag-train sa Japan. Kasa-kasama ko nga sa inuman yun eh. At yung Japanese coach niya lagi kong kalaro," paliwanag ni Baylon sa panalo niya via yukko kay Jimmy Anggoro.
Sinabi din ng 59 na si Baylon ng Zamboanga City, sisimulan na niya uli ang pag-eensayo para naman sa 2005 SEAG.
"Practice na agad pag dating sa Maynila," masayang wika ni Baylon na nagsanay din sa loob ng 40 araw sa Japan. (Ulat ni Dina Marie Villena)