4 RP boxers sigurado na sa silver
December 9, 2003 | 12:00am
HO CHI MINH -- Apat na Pinoy boxers na ang nakakasiguro ng upuan sa finals na susuntok sa gold medals habang dalawa pa ang magtatangka ngayong Lunes ng gabi sa pagpapatuloy ng boxing competition sa Phan Dinh Phung stadium dito.
Ang tatlong nauna na sa finals na nakatakda bukas, ay sina Juanito Magliquian, Roel Laguna at Mark Jason Melligen.
Nakahabol ang Busan Asian Games silver medalist na si Haryy Tana-mor nang kanyang takasan ang mahigpit na hamong ibinigay ng Thai na si Suban Pannon sa kanilang 48kg. na duwelo.
Nanalo si Magliquian kontra kay Le Van Tri ng Vietnam sa pamamagitan ng RSC, habang sina Laguna at Melligen naman ay nanalo sa kanilang mga kalabang sina Nguyen Trung Kien ng Viet-nam at Aung Thu Ya ng Myanmar ayon sa pagkakasunod.
Gayunpaman, hindi magiging maaliwalas ang daan patungo sa pag-sungkit ng gintong medalya para sa tatlong naunang Pinoy.
Makakaharap ni Magli-quian si Keao Pongprayo-on ng Thailand na nanaig naman kay Vongpakhoun Sikham ng Laos sa 45kgs., habang si Laguna naman kontra kay Samaksaman sa 57kgs. at si Melligen naman kontra kay Manus Boonjumnong sa 64kgs.
Habang sinusulat ang balitang ito, sisikapin din nina Joan Tipon at Florencio Ferrer na makasama sa apat na nauna na sa finals.
Pagsisikapan naman nina Tipon at Ferrer na madispatsa ang Indons sa kanilang magkahiwalay na laban.
Makikipagpalitan ng suntok si Tipon kay Indon Urias Arenaldo Moniaga sa 54kgs. class habang ang Indon na si Marwan Muling naman ang kalaban ni Ferrer sa 60kgs. division.
Sakaling maging matagumpay ang apat, malaki na ang pag-asa ng bansa na masapawan ang kanilang nakakadismayang performance sa Kuala Lumpur SEA Games noong 2001 kung saan bokya sila sa gold. (Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended