^

PSN Palaro

May magandang idinulot ang barkada kay Corteza

-
HO CHI MINH -- Kung ang barkada ay sinasabing nakakasama sa pag-aaral, masasabing totoo ito. Ngunit kung minsan, may maganda ring naidudulot ito.

Tulad na lamang nang nangyari kay Lee Van Corteza, ang 24 anyos na tubong Davao na ngayon ay ang kauna-unahang double gold medalist sa RP delegation dito sa 22nd Southeast Asian Games.

Ngunit hindi ang pag-bibilyar ang unang kinahiligan ni Corteza. Tulad ng maraming Pinoy, basketball ang una niyang laro.

"Basketball talaga ang gusto ko, pero nang minsan isama ako ng barkada ko sa bilyaran. Dito na nagsimula ang lahat," ani pa ni Corteza na nagsabi ding dahil sa bilyar ay hanggang high school lamang ang natapos (Sa University of Mindanao).

Ngunit hindi ito pinagsisihan ni Corteza, dahil maganda ang naging kapalit nito sa kanyang buhay at higit sa lahat sa kanyang career bilang pool player.

Katunayan, nakakolekta na ng limang gintong medalya si Corteza sa kanyang paglalaro sa SEA Games.

Bukod sa dalawang ginto dito-- isa sa 8-ball singles at isa naman sa 9-ball doubles (kasama si Warren Kiamco), gold medalist din ito noong 1999 Brunei SEAG (isa sa 9-ball singles at isa sa team), at sa 2001 Kuala Lumpur (8-ball doubles).

"Mission accomplished!," masayang pahayag ni Corteza makaraang igupo ang Philippine-born Amir Ibrahim ng Malaysia, 9-3, para sa gintong medalya.

"Masaya ako kasi nakapagbigay na naman ako ng ginto sa Pilipinas," dagdag pa niya na umaasam na irerehistro ang ikaanim na SEAG gold sa pagdaraos ng 2005 SEA Games sa Manila. (Ulat ni DMV)

vuukle comment

AMIR IBRAHIM

BRUNEI

CORTEZA

KUALA LUMPUR

LEE VAN CORTEZA

NGUNIT

SA UNIVERSITY OF MINDANAO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TULAD

WARREN KIAMCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with