Nirebisa ng mga judges ang race tape at base dito, nauna nang tumalon sa pool si Mendoza bago pa matapik ni Kalaw ang touch pad.
Dahil dito, ang gold medal ay ibinigay sa Malaysia, napunta ang silver sa Singapore habang ang bronze naman ay sa Thailand.
Malaking karagdagan sana ito sa gold medal performance nina chess wizard Mark Paragua at judoka Helen Dawa sa Ho Chi Minh City nang araw na iyon para sa mga Pinoy.
Sinikap na isalba ng RP officials ang naturang gold sa paghahain ng protesta ngunit walang nangyari dahil ibinasura lamang ang ito ng mga organizers.