^

PSN Palaro

Sino ang dakila ?

GAME NA! - Bill Velasco -
May namataan akong libro na siguradong kagigiliwan ng mga mahihilig sa sports. Ang pamagat ay The 100 Greatest Sports Argu-ments of All Time ni Christopher Russo. Si Russo ay isang prem-yadong radio announcer sa New York, at tanyag sa tindi ng kanyang mga opinyon tungkol sa sports. Nakakaaliw basahin ang kanyang pananaw, dahil dito sa atin, madalas na tinatago natin ang ating pananaw sa maraming bagay dahil ayaw nating makasakit, o nahihiya tayong kontrahin ng ibang tao.

Pero, sa pananaw ni Russo, lahat ay may katwiran. Sino ba ang pinakamahusay sa basketball, baseball, boxing at iba pang sport? Ang mabigat sa kanya, may pananaliksik siyang ginagawa para mapanindigan ang kanyang mga sinasabi.

Mas matindi ba pag pinagsama sina Wilt Chamberlain, Bob Cousy, Elgin Baylor, Oscar Robertson at Bob Pettit kaysa kina Michael Jordan, Julius Erving, Shaquille O'Neal, Karl Malone at John Stockton? Sino'ng mas nakakabilib, si Ted Williams o si Joe DiMaggio? Sino'ng unang babagsak, si Jack Dempsey o ang walang-talong si Rocky Marciano?

Ang isa pa niyang madalas puntiryahin (sa iba-ibang sport) ay kung aling mga koponan sa iba-ibang panahon ang mas dapat kilalanin. Lalo na sa basketbol, di pa natin nagagawa iyan dito. Pero ang inyong lingkod ay nag-aral ng kasaysayan ng PBA para sa isang istorya sa isyu ng Manual magazine ngayong Disyembre. Baka magulat kayo sa laman niya.

Sa ating kultura, madalas tayong magbansag ng kung anu-ano. Napakarami nating mga tinatawag na "monicker" sa mga manlalaro natin. Para bang lahat ay kailangang may titulo, kahit walang karapatan. Parang lahat ng tao ay dapat maging abogado, doktor o congressman. Ito'y isa ring paraan para di natin kailangang maghambing, o idiin kung sino ang mas magaling.

Pero, sa aking karanasan, mahina tayo sa history. Hindi natin gaanong iginagalang ang nakaraan, lalo na sa sports. Halimbawa: hindi na kilala ng mga kabataan ngayon kung sino si Flash Elorde. Mapupunta na lang ba sa wala ang kagitingang ipinapakita ng ating mga atleta? Sayang naman.

Napapanahon nang balikan natin ang nakaran nating glorya. Noong dekada 60 pa lamang, inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos ang dating Kalihim ng Edukasyon Carlos P. Romulo na pag-aralan kung bakit tayo humihina sa international sports. Mula noon, hindi na natin pinansin ang unti-unting paghabol sa atin ng mga kalapit-bansa natin. Noong 1940's hanggang 1960's, kayang-kaya nating talunin ang China, Japan, Korea o maging Australia sa sports. Ngayon, nangangamote na tayo.

Pero hindi ba, lahat ng pagbabago ay nagsisimula sa itaas, hindi ba?

ALL TIME

BOB COUSY

BOB PETTIT

CHRISTOPHER RUSSO

EDUKASYON CARLOS P

ELGIN BAYLOR

NATIN

PERO

SINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with