Ginapi ni Czarina Mae Arevalo ang world rated na si Sandy Gumulya, 7-6 (5), 4-6, 7-6 (7) sa ikalawang singles at mapuwersa ang 1-1 pagtatabla at bahagyang kabahan ang Indons.
Nakipagtambalan si Arevalo kay Patricia Santos sa doubles ngunit pawang kamalian ang nagawa na nagbigay daan sa matagal nang magkakamping sina Wynne Prakusya at Maya Rosa na nagbigay sa Indons ng panalo.
Nauna rito, nakuha ng Indons ang abante nang pabagsakin ni Septi Mendi si Ann Patricia Santos, 6-4, 6-2.
Ang panalo ng mag-partner na Pinay ay nagbigay sa kanila upang mapantayan lamang ang bronze medal na tinapos nila noong 2001 edition ng SEA Games sa Kuala Lumpur.
Makakaharap ng Indons para sa gintong medalya ang top seed Thai-land na tumalo naman sa Vietnamese, 3-0 sa isa pang semifinal match.
Samantala, nakatakda namang magbalik aksiyon si Johnny Arcilla, silver medalist sa first Afro-Asian Games sa mens singles event.
Makakaharap ni Arcilla si Min Min ng Myanmar habang si Arevalo naman ay makikipagpalitan ng raketa kay Chit Su Yee.