^

PSN Palaro

Si McClary ang Best Import

FREE THROWS - AC Zaldivar -
KAHIT pa nasuspindi ng isang laro si Artemus McClary bunga ng kaguluhang naganap sa Game-Two ng best-of-seven Samsung-PBA Reinforced Conference sa pagitan ng Coca-Cola at San Miguel Beer ay halos siguradong siya na ang itatanghal na Best Import.

Wala na siyang kalaban, e.

Sa pananaw ng karamihan, ang nakaraang best-of-five semifinals sa pagitan ng Coca-Cola at Talk N Text ang siyang nagdetermina kung sino ang magiging Best Import. Kasi nga, bukod kay McClary, dalawang ibang imports ang hindi napalitan buhat nang mag-umpisa ang torneo at ito’y sina Damien Cantrell ng Talk N Text at Terrence Shannon ng FedEx.

Hindi naman nakausad sa semis ang FedEx so out na si Shannon. At dahil hindi nakarating sa Finals ang Talk N Text, out na rin si Cantrell.

Kung mayroon sanang kalaban para sa Best Import award si McClary, ito’y si Kwan Johnson ng San Miguel. Biruin mong masagwa ang naging umpisa ng Beermen na natalo sa unang limang laro nila sa torneo subalit nakahabol sila’t nakaabot pa sa Finals sa tulong ni Johnson.

Pero mukhang itinadhana na si McClary ang maging Best Import!

Kasi ay nagtamo ng groin injury sa third quarter ng Game-One si Johnson at hindi na nakapaglaro pa buhat doon. Nagawa pa rin ng Beermen na mamayani sa series opener, 84-81 dahil malaki naman ang kanilang naiposteng kalamangan sa umpisa ng laro.

Subalit sa Game-Two ay tinambakan ng Tigers ang Beermen, 103-79 dahil hindi nakapaglaro si Johnson bagamat naka-uniporme ito. Mukhang matatagalan bago guma-ing ang kanyang injury.

Kaya naman nagdesisyon ang coaching staff at management ng San Miguel na palitan si Johnson at kunin ang NBA veteran na si Cedric Ceballos. So, hindi na matatapos ni Johnson ang torneo. Logical na hindi na siya mapabilang sa mga contenders para sa Best Import award at kahit na nakakuha na siya ng boto buhat sa kapwa players at media people na nagsimulang maghulog ng kanilang mga balota nong Linggo ay balewala na ang mga ito.

Deserving namang talaga si McClary. Sa umpisa pa lang ay swak na swak na siya sa Coca-Cola. Aba’y mahirap para sa isang mahusay na import na mag-standout sa isang koponang maraming stars. Bukod dito ay may championship poise ang Tigers dahil nga sa ikaapat na finals appearance na ang nangyaring ito sa kanila.

Kahit paano’y malaki ang pressure sa balikat ni McClary kung hindi nakarating sa Finals ang Tigers. Biruin mong noong wala siya ay namamayagpag ang Tigers, ngayon pa ba namang nandiyan siya saka sila sasadsad?

Pero siyempre, kahit paano’y nabahiran ang kanyang record dahil sa insidenteng naganap sa Game-Two. Subalit iyon ay marahil bunga ng kanyang desire na talagang matulungan ang kanyang team.
* * *
ADVANCED birthday greetings kay dating Darts Council of the Philippines (DCP) president Dick Odulio na mag-bi-birthday sa Dec. 8.

BEERMEN

BEST

BEST IMPORT

BIRUIN

CEDRIC CEBALLOS

COCA-COLA

GAME-TWO

SAN MIGUEL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with