^

PSN Palaro

Unang ginto inihatid ng archers

-
HANOI -- Pumalaso ng ginto ang Pinay archers sa araw na pormal na sinimulan ang 22nd Southeast Asian Games sa national stadium dito.

Buong gilas na tinalo ng Philippines na binubuo nina Jasmine Figueroa, Rachelle Anne Cabral at Jennifer Chan ang Malaysia, 218-211 sa women’s archery finals sa National Sports Training Center 1 dito.

Una rito, naging masigla ang panimula ng Pinay archers nang palu-hurin nila ang Thailand sa quarterfinals bago sinilat ang top seed Indonesian sa semifinals at tuluyang itala ang isang come-from-behind na panalo.

Agad nasundan ang 2 bronze medal na naitala ng Philippines noong Huwebes ng gabi mula naman kay archer Florante Matan sa men’s individual at RP men’s gymnastic team na binubuo naman nina Ruel Ramirez, Brydon Sy, Rico, Al at Ronel Ramirez, at Neil Faustino.

Ang gintong medalyang ito ay tumabon din sa mapait na kabiguan ng water polo team na yumuko sa Thailand, 9-7 sa National Aquatics Sports Complex.

Tulad ng inaasahan nakopo ng Singapore ang gold habang silver naman ang Thais.

"Para sa mga kababayan natin ito," masayang pahayag ni POC presi-dent Celso Dayrit sa ma-gandang pasalubong sa kanyang pagdating dito.

"Talagang hindi kami papayag na ma-shutout," anaman ni archery secretary-general Ligaya Manalang, na nais matabunan ang one-gold performance ng archers noong 2001 Kuala Lumpur SEA Games.

Sa una tila hindi mapalagay ang Pinay trio nang halos kabahan ito sa pani-mula ng kampeonato at maiwan sa 68-74 sa Malaysia sa unang dulo at 139-145 naman sa ika-lawa.

Ngunit na-ngibabaw ang determinas-yong makapagbigay ka-rangalan sa bansa, pumana ng 24 si Cabral sa panimula, na sinundan ng 28 ni Figueroa at tapusin naman ito ni Chan ng 27. (Ulat ni DMVillena)

BRYDON SY

CELSO DAYRIT

FLORANTE MATAN

JASMINE FIGUEROA

JENNIFER CHAN

KUALA LUMPUR

LIGAYA MANALANG

NATIONAL AQUATICS SPORTS COMPLEX

NATIONAL SPORTS TRAINING CENTER

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with