Sure na ang gold sa billiards
December 6, 2003 | 12:00am
Ho Chi Minh City -- Tulad ng dapat asahan, nakapuwesto na para sa gold medal ang tambalang Lee Van Corteza at Warren Kiamco sa 9-Ball doubles ng 22nd Southeast Asian Games na ginaganap sa Nguyen Du Sports Center dito.
Magaan na dinispat-sa nina Corteza at Kiamco ang Vietnamese pair nina Nguyen Phuc Long at Nguyen Thanh Namn, 9-5 sa kanilang laban sa semis at ihakbang ang paa sa unang gold ng bansa dito sa lungsod na dating tinawag na Saigon.
Makakalaban naman ng tambalang Pinoy sa finals na magsisimula pa lamang habang sinusulat ang balitang ito ay ang defending champion In-donesian na sina Muhamad Junarto at Nurdin na tumalo sa magka-partner na Tah Kah Thiam at Ibrahim ng Malaysia 9-5.
"Confident kami na makukuha natin ang ginto," ani Kiamco ilang oras bago pa magsimula ang labanan para sa gold medal.
Nakuntento lamang sa silver ang Pinoy pair noong Kuala Lumpur SEAG nang mabigo sina Kiamco at ang partner na si Venancio Tanio sa Indonesian, 5-3 sa finals.
"Pagkakataon na rin nating makaganti," dagdag ni Kiamco na mas kumpiyansa ngayon dahil mas mahaba ang karera na race-to-9 finals kumpara noon na race-to-five lamang.
"Maagang sinimulan ng tambalang Pinoy ang kanilang kampanya sa pamama-gitan ng 9-6 panalo kontra kina Chatchawan Rutphae at Mana Upraphai, ng Thailand sa quarterfinals
Samantala, tutumbok sa isa pang gintong medalya sa pool sa paglahok nina Corteza at Antonio Lining sa 8-ball competition ngayong gabi.
Kapwa naka-bye sina Corteza at Li-ning sa first round at kailangang manalo ng dalawa para sa inaasahang All-Pinoy na tumbukan sa gold medal. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended