Alvarez nagpalista na para sa PBA Draft

Si Rich Alvarez, ang power forward ng Ateneo na may inside at outside game ay nagpasa ng kanyang application para sa PBA Draft para sa susunod na season.

Si Alvarez ay nagbulsa ng dalawang MVP awards sa UAAP at dahil dito, inaasahang siya ay makukuha sa first round.

Naging miyembro rin ang 6’4 forward ng RP Team na sasabak sa Southeast Asian Games sa Vietnam na magdedepensa ng basketball title.

Ang dalawa pang nagpasa ng kanilang application ay sina Arnold Booker mula sa University of the East at si Carlo Sharma ng La Salle.

Ang mga nauna nang nagpalista ay sina Joaquin Hawkins at Arvin Garcia na parehong US-based college players.

Dalawang Fil-foreign players lamang ang nagpalista na sina Fil-German Joachim Thoss na naglalaro sa PBL at Fil-Australian na si Richard Michael.

Ang deadline ng submission ng application ay sa Dec. 29.

Ang iba pang inaasahang malalaking pangalan na sasali sa draft ay sina Ranidel de Ocampo, at Erwin Sotto ng St. Francis College, Wesley Gonzales ng Ateneo, UE guard Paul Artadi, Arwind Santos ng Far Eastern at James Yap ng University of the East.

Show comments