^

PSN Palaro

RP Blu Boys bigo sa Japan

-
Sumandal ang defending champion Japan sa mahusay na pitching ni Nabunori Nishimura at sa kanilang mahusay na depensa upang pasadsarin ang RP Blu Boys, 3-0 para makopo ang titulo sa 7th Asian Men’s Softball Championship sa Rizal Memorial Ballpark.

Pinayagan lamang ni Nishimura ang Blu Boys na makadalawang hits tungo sa kanilang tagumpay.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-pitch ang kaliweteng si Mark Rae Ramirez at nagpasiklab ito sa pag-i-strike-out ng siyam na hitter ngunit apat na hits ang pinakawalan nito kung saan umiskor ng tatlong runs sina Tomoaki Okamoto at Makoto Yama-naka.

Nagkasya lamang sa runner-up finish ang Blu Boys ngunit nakasiguro naman sila ng slot sa World Championship sa Christchurch, New Zealand sa January.

Si Ramirez ang napiling MVP sa torneong ito dahil sa kanyang limang RBIs (runs batted in) ngunit tatlong beses itong na-strike out kahapon.

Sa iba pang laro, inilampaso naman ng Indonesia ang India para para magtapos bilang ikalimang team.

ASIAN MEN

BLU BOYS

MAKOTO YAMA

MARK RAE RAMIREZ

NABUNORI NISHIMURA

NEW ZEALAND

RIZAL MEMORIAL BALLPARK

SI RAMIREZ

SOFTBALL CHAMPIONSHIP

TOMOAKI OKAMOTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with