^

PSN Palaro

RP pug natapata agad sa Thai boxers

-
HO CHI MINH -- Agad masusukatan ang husay nina Violito Payla at Francisco Joven sa kanilang maagang pakikipagharap sa Thai boxers sa boxing event ng 22nd Southeast Asian Games ngayon sa Phan Dinh Phung stadium dito.

Ang 24-anyos na tubong Cagayan de Oro City at gold medallist sa 2003 Acropolis Cup at Gee Bee tournament, ay mas maagang mapapasabak sa mabigat na kalaban sa katauhan ni 2003 World Champion Somjit Jongjohor sa 51kgs., category habang makikipagpalitan naman ng suntok si Joven kay Manoon Boonjunong sa 69kgs.

Gayunpaman, kuntento na rin ang coaching staff at maging si ABAP president Manny Lopez sa kinalabasan ng draw.

"Sino manalo dito, tiyak na pasok na sa finals, patungkol ni Lopez sa maagang duwelo ng Thais at Pinoy. "Tiyak na babawi tayo ngayon. Kung bokya tayo sa Kuala Lumpur noong 2001, hindi na tayo papa-yag na mangyari pa ito uli," pahayag naman ni coach Pat Gaspi at sinegundahan nina George Caliwan at Boy Velasco.

Dala ang mga magandang resulta sa kanilang international exposures na sinalihan, umaasa ngayon si Payla, bronze medalist noong KL SEAG, na magi-ging matagumpay siya sa kanyang pag-asinta sa gold.

"Tinalo ng Thai na iyan si Payla, pero babawi ngayon yang bata natin," umaasang sabi pa ni Velasco.

Kasabay nina Payla at Joven, sasabak din ang 20-anyos na si Florencio Ferrer kontra naman kay Cambodian Sam Sokunthea sa 60kgs. class ngayong gabi.

Habang sinusulat ang balitang ito, umakyat na sa ring sina Juanito Magliquian at Fil-Am Christopher Camat, dakong alas-8 ng gabi (alas-9 sa Manila).

Makikipagpalitan ng kamao ang tubong-Talisay, Cebu na si Magliquian kay Mohd Ali Dzulfikri ng Brunei sa 48kgs. division habang si Camat naman ay lalaban kay Vietnamese Bui Phu Sau sa 75kgs.

Sa Disyembre 5, sina Ruel Laguna at Mark Jason Melligen ang papagitna naman sa lona. Makikipagpa-litan ang 22-anyos na si Laguna ng suntok kay Keo Intha Sathi ng Laos habang ang pinakabatang mi-yembro na si Melligen, 17-anyos lamang ay magde-debut kontra kay Chan Samruth ng Cambodia.

Makikipagsuntukan naman si Asian Games silver medallist Harry Tanamor kay Malaysian Zamzai Azizi Bin Mohamad sa Disyembre 6 na susundan naman ng laban ni Pre-SEA Games gold medalists Joan Tipon at Chanthose Exayyalak ng Laos.

ACROPOLIS CUP

ASIAN GAMES

BOY VELASCO

CAMBODIAN SAM SOKUNTHEA

CHAN SAMRUTH

CHANTHOSE EXAYYALAK

FIL-AM CHRISTOPHER CAMAT

FLORENCIO FERRER

FRANCISCO JOVEN

PAYLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with