^

PSN Palaro

Blu Boys bigo pero may pag-asa pa sa titulo

-
Buong giting silang nakipaglaban subalit kinapos pa rin ang RP Blu Boys sa bandang huli at hinayaan ang Japan na maipuslit ang 9-2 panalo, na naggawad dito ng unang upuan sa kampeonato ng 7th Asian Men’s Softball Championships kahapon sa Rizal Memorial Stadium.

Seryoso sa kanilang misyong makopo ang koronang huli nilang nahawakan noong 1990, ang Blu Boys ay ngipin-sa-ngiping nakipagsabayan sa mga Japanese sa unang 5 inning subalit nabigo silang sustenahan ito sa kasunod na frame, na nagbigay ng pagkakataon sa bisita para iposte ang abbreviated win na ito.

"Bumigay kasi yung pitcher natin (si Florante Acuña). Pero ang maganda dito, nakita na natin yung number one pitcher ng Japan (si Nishimura), so alam na natin kung ano yung istilo pagnakaharap uli natin sila bukas (ngayon)," ani Blu Boys coach Reynaldo "Baby" Manzanares.

Si Mark Rae Ramirez, ang tanging kaliweteng pitcher ng host team, ay inaasahang gagamitin sa kampeonato sa ika-3:00 ng hapon ngayon.

Subalit upang makarating dito, ang Blu Boys ay kailangan munang magwagi kontra sa Chinese Taipei sa alas-11:00 ng umaga.

Sa iba pang laro, nilampaso ng Indonesia ang Iran, 10-0, habang blinangko ng Thailand ang India, 3-0. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

ASIAN MEN

BLU BOYS

BUMIGAY

BUONG

CHINESE TAIPEI

FLORANTE ACU

MANZANARES

RIZAL MEMORIAL STADIUM

SI MARK RAE RAMIREZ

SOFTBALL CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with