^

PSN Palaro

Chan, 3 pang archers umusad

-
HANOI -- Pumalaso ang Sydney Olympian veteran na si Jennifer Chan ng Philippines ng record tying 1305 points kahapon upang tumapos ng ikatlo sa overall sa women’s individual archery eliminations ng 22nd Southeast Asian Games sa National Sports Training Center dito.

Kinumpleto ng 38-anyos na si Chan ang kanyang dalawang araw na performance sa pagposte ng 318 at 348 sa 50 at 30-meter distansiya upang itabla ang SEAG Mark na itinala may dalawang taon na ang nakakaraan sa Malaysia at pumosisyon sa likod nina Rina Dewi Puspita Sari (1332) ng Indonesia at Mon Redee A/P Sut Txi ng Malaysia (1328).

Ang performance na ito ni Chan ay mas maganda sa kanyang personal best na 1302 nang makasungkit siya ng bye sa 1/16th ng knockout Olympic Round na magsisimula ngayong alas-9:00 ng umaga.

Tatlong iba pang Lady archers sina -- Jasmin Figueroa, Joann Tabanag at Rachell Anne Cabral -- ang nakasama din sa Olympic Round.

Makakasagupa ni Tabanag si Singapore’s Sug Beow Leng, haharapin ni Figueroa ang Vietnam’s na si Nguyen Thi Chinh at sasabak naman si Cabral kontra sa isa pang Vietna-mese na si Nguyen Thung Hung sa first OR stage.

JASMIN FIGUEROA

JENNIFER CHAN

JOANN TABANAG

MON REDEE A

NATIONAL SPORTS TRAINING CENTER

NGUYEN THI CHINH

NGUYEN THUNG HUNG

OLYMPIC ROUND

P SUT TXI

RACHELL ANNE CABRAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with