Ateneo bagsak sa La Salle netters
December 2, 2003 | 12:00am
Nagparamdam ng lakas ang kasalukuyang womens champion na De La Salle nang kanilang blangkuhin ang karibal na Ateneo sa simula ng tennis competition para sa second semester hostilities ng Season 66 ng UAAP Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Inilampaso nina Catherine Flores, Michelle Panis at ang tambalan nina Janet Uy at Sherrie Rose Ong ang kani-kanilang mga kalaban para sa panalo ng Archers na nananatiling paborito sa season na ito kahit maraming rookies sa kanilang team.
Tinalo ni Flores si Madeline Paula Chan, 6-0, 6-1; dinispatsa ni Uy at Ong si Lady Tomantiong at Susana Onglatco, 6-0, 6-2 sa doubles at dinurog naman ni Panis si Krisile Tomantiong, 6-0, 6-0.
Sina Sommer Bisagas, Liza Buenbrazo at Christina Gomez, ang tatlong babaeng responsable sa title conquest ng La Salle noong nakaraang taon ay naka-graduate na.
Pinasadsad din ng Santo Tomas, runner-up noong nakaraang taon, sa pamamagitan ng 3-0 shotout ang University of the Philippines sa torneong itinaguyod ng Rizal Racket Club sa loob ng Rizal Capitol Compound sa Pasig City.
Ang nagtala ng tagumpay para sa Tigers ay sina Arra Micayabas, ang pares nina Ofelia Arribe at Katrina Lopez at Ziarla Battad.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended