^

PSN Palaro

Knights sinuwag ng Tamaraws

-
Ipinakita ng reigning UAAP titlists Far Eastern University ang kanilang supremidad laban sa NCAA champion Letran, 68-54 kahapon sa Big Eight Action ng Cham-pions League sa Adamson Gym.

Ang panalong ito ang nagtakda ng pakikipaglaban ng FEU sa Final Four kontra sa top favorite na St. Francis of Assisi na magsisilbing rematch ng kanilang Big Eight match noong nakaraang taon kung saan ginulantang ng Tamaraws ang Doves.

Sa sobrang dehado ng Letran, tanging nagawa ng Knights ay maka-lapit ng hanggang sa 14-22 lamang sa pagtatapos ng unang canto.

"I think we caught them in an off day," pahayag ng winning coach na si Koy Banal.

Umiskor ang Tamaraws ng walong sunod na puntos sa simula ng laban bago kunin ang 15-2 pangunguna sa three pointer ni Arwind Santos. Itinala ni Santos ang kanyang ikalawang sunod na double-double sa pagkamada ng 13-puntos at paghatak ng 14-rebounds kahit na di na ito lumaro sa final quarter.

Sa pagtatapos pa lamang ng first half, si Santos ay naka-double-double na sa kanyang 13-puntos at 10 rebounds.

Bagamat di na ito umiskor sa ikatlong canto, ang kanyang mga kasa-mahan naman ang nag-trabaho tungo sa kanilang tagumpay.

Pinangunahan ni Mark Isip ang Tamaraws sa kanyang 17-puntos sa ika-apat na quarter habang ang bihirang gamitin na si Jefrei Chan ay nag-ambag ng 10-puntos na kanyang isinelyo sa pamamagitan ng tres na nagbigay sa Tamaraws ng biggest lead na 68-40.

ADAMSON GYM

ARWIND SANTOS

BIG EIGHT

BIG EIGHT ACTION

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

JEFREI CHAN

KOY BANAL

LETRAN

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with