Ito ay base na rin sa kanilang magandang performance sa naka-raang SEA Age-group swimfest na ginanap sa San Pablo City at Asian-Afro Games.
Kumpiyansa si Guy Concepcion kina Miguel Molina, Mendoza at Carlo Piccio na makakapagbigay ng tig-isang gold sa kani-kanilang paboritong event.
Nasaksihan ni Concepcion ang matagumpay na kampanya ng RP tankers at ngayon ay pipigain niya ng husto ang lahat ng swimmers para ibigay ang lahat ng kanilang kakayahan para sa bansa.
Si Molina ay pinalakas ng magandang programa mula sa pagsasanay sa kanyang paaralan sa Amerika--ang University of Southern California sa Berkely, California--at isa sa pinakamaningning na pag-asa ng Pinas sa kanilang kampanya sa SEAG.
Gayundin si Mendoza na mula naman sa University of Georgia at nakapagtakda ng personal best sa freestyle.
Sa kabilang dako naman, si Piccio ay nagsanay sa University of Cincinnati at nakabilang sa All-American Second team at nagwagi ng dalawang league championships sa kanyang career.
Ang isa pang potential na magbibigay ng gold ay si Lizza Danila na kama-kailan lamang ay bronze medalists sa Asia-Afro habang sina Jenny Guerrero, Luica Dacanay at Marichi Gandiongco ay nagpamalas din ng impresibong performance sa SEA Age-Group.
Ang iba pang miyembro RP tankers ay sina Raphael Chua, Gem Ong, Evan Grabador, Louie Marquez at Ronald Lambert Guiriba.