Pinag-aralan muna nina Primero at Luzon ang unang bahagi ng out and back 160-kilometer course saka humataw pabalik para sa 1-2 positions matapos itala ang tiyempong apat na oras, isang minuto at 17.87.
Kumawala sina Primero at Luzon pag-ikot ng karera sa Barangay Langonan, ang boundary sa pagitan ng Puerto Princesa City at Roxas City at nagtulong sa trangkuhan ng paliku-liko at mahanging ruta hanggang sa finish line.
Si Primero din ang tinanghal na King of the Mountain para sa premyong P3,000.
Kinuha naman ni Nilo Estayo ang ikatlong puwesto sa kanyang oras na 4:06:29.44.
Sisimulan sa alas-2:00 ng hapon ang 120-km circuit race kung saan iikutin ng 35 Tour Pilipinas riders ang six-kilometer layout ng 20-beses.
Samantala, pinangunahan naman ng isang magbu-bukid na si Gerry Ramos ang 60-km race para sa mga local riders upang isubi ang P5,000 premyo. (Ulat ni Carmela Ochoa)