^

PSN Palaro

Compton,kamador ng PBL; Intal,slum dunk king naman

-
Gaya ng dapat asahan, bugbog sarado ang inabot ng Philippine Team sa mga kamay ng high-flying Angola squad, 78-90 ang araw na inihulma ni Alex Compton ng Sunkist-UST ang kanyang katayuan bilang pinakamatinding kamador ng liga kahapon sa Showcase ng PBL Platinum Cup sa Pasig Sports Center.

Humakot si Compton, na nagpahayag na ng kanyang intensiyon na umakyat na sa pro league sa susunod na taon ng 15 puntos upang gapiin ang tatlong iba pang finalists kabilang ang matikas na shooter ng Welcoat na si James Yap sa 3-point shootout.

Nawala ang pulso ni Yap matapos na mapagod sa umagang laban kontra sa Angola.

Ngunit ang pinakamalaking tagumpay ng araw na iyon ay ang ginawa ni JC Intal ng Fash Liquid na na nagpatalsik kay Blustars KG Canaleta ng isalpak niya ang one-handed dunk na ala-Vince Carter upang mapagwagian ang slam dunk contest.

Ang panalo ng 6-foot-5 na si Intal ang nagbigay sa kanya ng maraming palakpak mula sa mga manonood na nagkaloob sa kanya ng 49-out-of-50 points para sa nasabing performance.

Iniangat rin ni Blustars guard Lou Gatumbato ang kanyang reputasyon bilang pinakamabilis na manlalaro ng liga nang kanyang dominahin ang slalom event sa ikalawang sunod na taon.

Ang tambalang Christopher Baluyot at Jigger Saniel ng Montana Pawnshop ang nangibabaw sa 2-ball competition nang kanilang talunin ang pares nina Larry Fonacier at Wesley Gonzales, 68-66.

ALEX COMPTON

BLUSTARS

CHRISTOPHER BALUYOT

FASH LIQUID

INTAL

JAMES YAP

JIGGER SANIEL

LARRY FONACIER

LOU GATUMBATO

MONTANA PAWNSHOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with