May oras na si Limpot sa pamilya
November 26, 2003 | 12:00am
Nanghihinayang si Jun Limpot na na-out ang Ginebra San Miguel sa ongoing PBA conference.
"Sayang talaga, we were almost there. Malapit na sana kami, pero kinapos. Sayang, mas maganda sana kung nakarating kami sa finals this year, lalo na magpa-Pasko," sabi ni Jun nung makausap namin siya recently.
Pero hindi man sila nakapasok, nagkaroon naman siya ng pagka-kataon to spend more time with his wife and kids.
"Yun nga lang, mas nagkaroon naman ako ng time para sa mga bata. Madalas, nagtatampo sa akin ang mga yan kasi kahit Linggo, may practice kami kung walang laro. Ngayon, dahil less na ang ginagawa namin, mas madalas ko ng nailalabas at naipapasyal si misis at yung mga bata," dagdag pa ni Jun.
Kahit saan mapunta si Jun ngayon eh pinagkakaguluhan siya, proof na hanggang ngayon, sikat na sikat pa rin siya kahit sabihin pang marami nang bagong players ang nagdatingan.
Nandito sa Pilipinas at nagbabakasyon ang mag-asawang coach Nat at Tess Canson.
Si Nat ang isa sa pinaka-successful na coaches ngayon sa Indonesia at talaga namang ang laki ng improvement nung team na hawak-hawak niya roon.
Dating kukule-kulelat ang team na Satria Muda sa Indonesia pero mula nung hawakan ni Nat, lagi itong nasa finals na.
Bilib na bilib sa kanya yung may-ari ng team kaya naman kapag nandoon sila eh talagang VIP na VIP ang dating niya.
Nakakatuwa naman na isang Pinoy eh nagtatagumpay sa kanyang coaching career sa ibang bansa.
Nung mag-resign si Nat sa Blu team a few years ago, inakala niyang oras na para magretiro sa kanyang pagku-coach.
Pero hindi. Dumating ang offer mula sa Indonesia at ang offer eh di hamak na labis na maganda kaysa kung hahawak siya ng isang team dito. At kahit na umayaw na siya nung una, hindi pa rin siya tinatantanan nung may-ari ng Indonesian team at pinilit siya.
Ang dugo ng pagku-coach eh nananalaytay pa rin sa kanyang dugo kaya naman eventually, tinanggap din niya ang offer na yun.
Magreretiro na raw ang sikat na player na ito sa kanyang basketball career at balak niyang kumandidato bilang congressman sa susunod na 2004 elections.
Nagtatanong-tanong na raw ito at kumukonsulta sa mga nakaka-alam.
"Sayang talaga, we were almost there. Malapit na sana kami, pero kinapos. Sayang, mas maganda sana kung nakarating kami sa finals this year, lalo na magpa-Pasko," sabi ni Jun nung makausap namin siya recently.
Pero hindi man sila nakapasok, nagkaroon naman siya ng pagka-kataon to spend more time with his wife and kids.
"Yun nga lang, mas nagkaroon naman ako ng time para sa mga bata. Madalas, nagtatampo sa akin ang mga yan kasi kahit Linggo, may practice kami kung walang laro. Ngayon, dahil less na ang ginagawa namin, mas madalas ko ng nailalabas at naipapasyal si misis at yung mga bata," dagdag pa ni Jun.
Kahit saan mapunta si Jun ngayon eh pinagkakaguluhan siya, proof na hanggang ngayon, sikat na sikat pa rin siya kahit sabihin pang marami nang bagong players ang nagdatingan.
Si Nat ang isa sa pinaka-successful na coaches ngayon sa Indonesia at talaga namang ang laki ng improvement nung team na hawak-hawak niya roon.
Dating kukule-kulelat ang team na Satria Muda sa Indonesia pero mula nung hawakan ni Nat, lagi itong nasa finals na.
Bilib na bilib sa kanya yung may-ari ng team kaya naman kapag nandoon sila eh talagang VIP na VIP ang dating niya.
Nakakatuwa naman na isang Pinoy eh nagtatagumpay sa kanyang coaching career sa ibang bansa.
Nung mag-resign si Nat sa Blu team a few years ago, inakala niyang oras na para magretiro sa kanyang pagku-coach.
Pero hindi. Dumating ang offer mula sa Indonesia at ang offer eh di hamak na labis na maganda kaysa kung hahawak siya ng isang team dito. At kahit na umayaw na siya nung una, hindi pa rin siya tinatantanan nung may-ari ng Indonesian team at pinilit siya.
Ang dugo ng pagku-coach eh nananalaytay pa rin sa kanyang dugo kaya naman eventually, tinanggap din niya ang offer na yun.
Nagtatanong-tanong na raw ito at kumukonsulta sa mga nakaka-alam.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended