Sobrang dami ng basketball tourney sa Pinas

Sobrang dami ng basketball tournament na on-going ngayon dito sa Pinas.

Nagpapatunay lang kung gaano ka-addict ang mga Pinoy sa basketball.

Nakakalungkot lang isipin na sa pagdami ng basketball tournament sa bansa, eh tanging sa Southeast Asia lang namamayagpag ang ating mga cagers.

Di ba’t dati umabot pa sila sa World Championship at maging sa Olympics? Pilipinas din ang nagdodomina ng basketball sa Asya na ngayon naman ay hawak ng China.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit imbes na usad papaitaas eh tila pababa ang nangyayari sa basketball.

Laging baligtad. Dati nasa unahan tayo ngayon naman eh kulelat na.

Bakit nga kaya?
* * *
Kung dati-rati, dinudumog ng mga tao ang PBA at PBL, bakit tila ngayon ay nangangapa sila sa dilim.

Ano naman ang dahilan ng pagsulpot ng mga basketball league dito sa atin gayung nakikita na nila na hindi maganda ang kapalaran ng PBA at PBL sa kasalukuyan?

Tanging ang UAAP at NCAA na pawang school leagues ang nakita kong dinumog dahil iba kapag eskuwelahan ang magkakalaban.

So papaano kaya nakaka-survive ang ibang basketball tournament dito sa atin eh pare-pareho din namang mga teams ang naglalaban-laban lalo na sa mga amateur ranks na pawang mga school teams ang kasali?

Hindi kaya masobrahan na ang mga players sa dami ng sinasalihan at pawang basketball na lang ang inaatupag?

Baka wala na silang time para sa kanilang pag-aaral?

Di kaya?
* * *
Personal : Happy Birthday to our Big Boss Mr. Miguel G. Belmonte sa Nov. 27. Gayundin kay PSN Metro Editor Jo Lising Abelgas. Higit sa lahat sa isa sa masugid na reader ng Pilipino Star Ngayon-- si Mr. Arsenio Cadahing ng Valenzuela City sa November 29. At kay Andi Garcia, PM news editor sa November 30 naman.

Show comments