Eliminations winalis ng Xavier School

Gaya ng inaasahan, dinaig ng defending champion Xavier School ang San Juan National High School, 93-69 upang ma-sweep ang elimination round ng 2nd San Juan Inter-High School Basketball tournament nang may malinis na 8-0 record sa San Juan Gym.

Kahit na natalo ang San Juan National High na nagtapos naman nang may 7-1 karta ay mayroon itong twice-to-beat advantage na gaya ng Xavier School sa semifinal round na magsisimula sa Sabado.

Makakalaban ng San Juan National HS ang Aquinas School samantalang makakatunggali naman ng Xavier School ang Florida Institute. Ang Aquinas ay nagtapos nang may 6-2 karta samantalang ang Florida ay may 5-3.

Sa iba pang laro sa pagtatapos ng elims ng torneong inorganisa ni San Juan vice-mayor at dating PSC commissioner Leonardo "Boy" Celles, tinalo ng Aquinas ang Philippine Cheng Kuang, 71-54; dinaig ng Roosevelt College ang St. John’s Academy, 63-51 at nagwagi ang Florida Institute kontra OB Montessori, 76-68.

Show comments