Naorasan si Acosta ng 19 minutes at 15.25 seconds upang ibulsa ang P3,000 pa-premyo at eleganteng tropeo kontra sa mga nakalaban na sina Ameah Jedidiah Liup at Rodel Antiquiao sa event na itinanghal ng Media Runners and Sports Promotions sa koordinasyon ng Olongapo City government na pinamumunuan ni Mayor Katherine H. Gordon.
Hindi naman umuwi ng walang dala sina Liup at Antiquiao sa pagpuwesto sa ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod sa kanilang tinanggap na P2,000 at P1,000 matapos magsumite ng tiyempong 19:40 at 19:42 ayon sa pagkakasunod.
Naorasan naman si Anatacio ng 28 minutes at 12.60 seconds para magreyna sa kababaihan at iuwi ang halagang P3,000 at tropeo kasunod si Aljie Paja (30:04.4), Jazle Cadaing (31:10.4) para sa P2,000 at P1,000 premyo sa second at third placers, ayon sa pagkakasunod.
Ang susunod na yugto ng Patakbong Pinoy ay itatanghal sa Valenzuela City sa Nobyembre 30 bago magwakas ito sa Kalookan City pagkatapos ng Vietnam SEA Games. Marami pang pronvincial legs ang itatakda sa susunod na taon.